Plea Bargaining in Drugs Cases


Kadalasang maririnig ang katagang "amin-laya" sa mga kasong droga. Ito ang konsepto ng "plea bargaining" o ang pag-amin sa mas mababang opensa sa ilalim ng batas na kadalasan ay nagreresulta sa maagang paglaya ng nasasakdal.

Taong 2017 nang payagan na ng Korte Suprema ang plea bargaining sa mga kasong droga (Estipona v. Lobrigo, G.R. No. 226679, 15 August 2017) na dati ay pinagbabawal sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 9165 (Sec. 23).

Q: Ano nga ba ang mga kasong maaaring i-plea bargain?
A: Sa Guidelines na inilabas ng Korte Suprema, ang mga sumusunod ay maaaring i-plea bargain sa nasabing mas mababang opensa:

1. Section 11 - Possession of Dangerous Drugs
Kung ang shabung narekober ay may timbang na mas mababa sa limang (5) gramo, ang kaso sa ilalim ng Section 11 (possession o pagdadala ng droga) ng R.A. 9165 ay maaari nang ibaba ng Section 12 (possession o pagdadala ng gamit sa pagdodroga o drug paraphernalia) na may parusang anim (6) na buwan at isang (1) araw hanggang apat (4) na taong pagkakakulong.

2. Section 12 - Possession of Drug Paraphernalia
Ang kasong pagdadala naman ng drug paraphernalia sa ilalim ng Section 12 ay maaari nang ibaba sa Section 15 o paggamit ng droga na may parusang anim (6) na buwang drug rehabilitation.

3. Section 5 - Sale of Dangerous Drugs
Ang mabigat na kasong pagbebenta ng shabu sa ilalim ng Section 5 na dati ay may parusang life imprisonment ay maaari nang ibaba sa Section 12 (6 months, 1 day to 4 years) kung ang timbang ng droga ay mas mababa sa isang (1) gramo.

3. Section 14 - Possession of Drug Paraphernalia during parties, social gatherings, or meetings
Ang Section 14 ay may orihinal na parusang maximum penalty ng Section 12 (4 years). Gaya ng Section 12, maaari itong ibaba ng Section 15 o Drug Use na may parusang anim (6) na buwang drug rehabilitation.

Para sa kabuuan ng plea bargaining guidelines, i-check lamang ang link na ito: http://oca.judiciary.gov.ph/…/…/OCA-Circular-No.-90-2018.pdf

Drug Dependency Evaluation
Bago payagan ang plea bargaining, kailangan ding dumaan muna sa "drug dependency evaluation" ng nasasakdal para tingnan kung siya ay dependent o umaasa pa rin sa droga. Depende sa resulta ng evaluation kung may idadagdag na drug rehabilitation sa magiging parusa sa kanya.

Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa aming Facebook page na http://www.facebook.com/panyeroph

No comments:

Post a Comment

Instagram